"Shane switched her computer off, went to the kitchen, and takes lunch."
What is the problem of this sentence? Meron po ba kayong napapansin?
Kung tayo po ay gagawa o magsusulat ng isang pangungusap sa English, mahalaga po na maging consistent tayo sa form of the verb na gagamitin dahil ito ang naglalarawan kung kelan nangyari ang isang bagay kilos o pangyayari. Ibig sabihin, kung gagamit po tayo ng past tense dapat po lahat ng verb sa isang clause o sentence ay nasa past tense form upang hindi maging nakakalito sa mambabasa kung kelan nga ba talaga nangyari ang isang bagay.
Halimbawa:
Shane switched her computer off, went to the kitchen, and takes lunch. "
Ano ano ba ang mga verb o pandiwa na ginamit sa pangungusap? Ikumpara po natin ang form of the verbs o mga pandiwang ginamit.
- Shane SWITCHED her computer off ( ang verb na switched ay past tense.
-WENT to the kitchen ( ang verb ay WENT which is also in past tense)
- and TAkES her lunch. (Ooopps! Bakit bigllang naging Present tense?)
Saan sa dalawa?
-Pinatay ni Shane ang kanyang computer, pumunta sa kusina at nanananghalian.
Pinatay ni Shane ang kanyang computer, pumunta sa kusina at nananghalian. √
So the sentence must be written like this:
Shane switched her computer off, went to the kitchen and took her lunch. √
Ang pagbabago po ng tenses ay dapat umpisahan sa Isa pang clause o sugnay o maari ding sa isa pang pangungusap upang hindi nakakalito.
Halimbawa:
Shane switched her computer off and went to the kitchen.And now she is taking her lunch.
Salamat po sa paglalaan ng panahon.
Ingat po tayong lahat 💕
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento