Kung ang past tense ay naglalarawan ng mga pangyayaring naganap na, ang past modals could have,would have at should have ay naglalarawan ng mga bagay na dapat naganap o ninais na maganap ngunit hindi nangyari.
Upang makabuo ng pangungusap na past modal tense ,gamitin ang could,should at would kasunod ang have at ang past participle verb. Palaging gamitin ang have sa lahat ng past modal verb at huwag gumamit ng has.
subject + could+ have+ past participle ( She could have passed the test)
subject + would + have+ past participle ( We would have gone to the market)
subject + should + have + past participle ( You should have called me)
Could have
Kung ang isang bagay ay posibleng mangyari o may kakayahan kang gawin ito ngunit di mo ginawa kaya hindi ito nangyari.
Halimbawa:
They could have won the game, but they didn't give their best.
(Pwede sana sila manalo,ngunit hindi nila ginalingan . KAYA HINDI SILA NANALO)
I could have gone to college, but I decided to apply for a job.
( Pwede sana ako makapag- collage, pero nag-apply ako ng trabaho. KAYA HINDI AKO NAKAPAG-COLLEGE)
Kung bubuo ng negative sentence,ang not ay dapat nasa pagitan ng could at have. Ang ibig sabihin ng could not have ay imposibleng nangyari ang isang bagay.
Halimbawa:
It could not have been him because he was with me the whole day.
( Hindi pwedeng sya yun.Kasama ko sya buong araw.)
WOULD HAVE
Ang would have ay mayroong dalawang paraan kung paano ito gamitin. Ang unang paraan ay ang paggamit ng but. I would have done something but I had something. Ibig sabihin gusto mong gawin ang isang bagay ngunit hindi mo nagawa.
I would have called you, but my mom used my phone.
(Ginusto kitang tawagan ngunit ginamit ng nanay ko yung phone ko.KAYA HINDI KITA NATAWAGAN)
Ang would have ay ginagamit din sa conditional sentences o mga pangungusap na kakaiba sa totoong nangyari .Inilalarawan nito kung ano ang maaring nangyari o maari mong ginawa kung ang mga bagay ay iba sa totoong pangyayari.
Halimbawa:
If I had known you would get mad, I would have not done that thing.
( Kung alam ko lang na magagalit ka,hindi ko sana ginawa ang bagay na iyon.NGUNIT HINDI KO ALAM NA MAGAGALIT KA KAYA GINAWA KO ANG BAGAY NA IYON)
Kadalasan ang would have ay tungkol sa hindi magandang resulta at kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa nakaraang hindi inaasahang pangyayari ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.
SHOULD HAVE
Mga bagay na hindi nangyari ngunit ginusto nating mangyari.
Ang should have ay ginagamit minsan sa mga maling bagay na nagawa sa nakaraan at pinagsisihan kung bakit ginawa yun.
I should have studied harder!
I should have followed what you said.
Ito ay maaring nagbibigay payo sa kaibigan o kakilala tungkol sa ginawa nito:
You should have listened to your mom.
You should have texted me so I could help you.
Kung inaakala natin na nagyari o nagyayari na.Karaniwan ay ginagamitan ito ng "by now"
He should have met her by now.
Kung ang inaakala nating pangyayari ay nagyari na ngunit hindi pa pala:
My mom should have arrived here by now, but she has not.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento