Sabado, Oktubre 3, 2020

IDIOMATIC EXPRESSIONS AND EXAMPLES



 Ang kontekstong ito ay ipinaliwanag  sa Tagalog sa layong  lubos na maunawaan ng mga Pilipinong mag-aaral. Kung nais nyong subukan ang iyong sariling kakayahan ayon sa lesson na binasa,maari nyong iclick ang link na ito para sa maikling pagsasanay 👉https://forms.gle/mTwNGU8YA7MgzyQ79

Ano ang ibig sabihin ng idiom ?
Ang idiom o ang tinatawag na sawikain sa Tagalog ay isang uri ng pagpapahayag kung saan ang kahulugan ay naiiba sa mga salitang ginamit sa pangungusap

Narito ang isa sa mga halimbawa ng idiom: 
                                                                       '  Bookworm"

Ang bookworm ay hindi literally  tungkol sa  bulate. Ito ay tungkol sa taong sobrang hilig  magbasa ng libro
.Kung ikaw ay mahilig magbasa ng libro ikaw ay matatawag na bookworm.

👉 Ang idiom ay binubuo ng mga salitang may ibang depinisyon sa literal nitong kahulugan.
👉 Tulad halimbawa pag sinabi nating 'I have cold feet ", hindi ito nangangahulugan na nanlalamig ang ating paa.Ang ibig sabihin nito ay tayo ay natatakot sa isang bagay.
👉 Sa kadalihanang ang idiom ay may kanya-kanyang depinisyon, dapat tayong maging pamilyar sa mga ito.
👉 Sa bawat relihiyon ,kumunidad o grupo  madalas na nabubuo ang isang idiom at nagiging bahagi na ng wika sa pagdaan ng panahon.
Tulad halimbawa ng idiom na Nosebleed . Hindi ibig sabihin nito na literal na dumudugo ang ating ilong. Madalas itong gamitin nating mga pinoy kapag may kausap tayong ibang lahi at hindi natin maintindihan ang kanilang sinasabi. 
                Oh,I'm having nosebleed! 
Ito ay maaring hindi pamilyar sa ibang bansa at may mga idom din na madalas gamitin sa  ibang bansa ngunit hindi pamilyar sa ating mga Pinoy.





Narito po ang ilan sa mga halimbawa: 

1. Losing my job has turned out to be a  blessing in disguise .
        - Ang pagkatanggal ko sa trabaho ay nagkaroon ng  magandang resulta.
2. Don't beat around the bush., just say what you want!
        - Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa,sabihin mo na ang gusto mo!
3. Job well done.Let's call it a day!
        - Magaling. Magpahinga muna tayo mula sa maghapong trabaho.
4. Would you cut me some slack?
        - Huwag kang masyadong malupit,tama na!
5. I already prepared everything,it's time to roll our sleeves up.
        - Inihanda ko na ang lahat,oras na para mgtrabaho ng seryoso.
6. Just keep your head up above water, everything will be alright soon.
        - Laban lang tayo magiging maayos din ang lahat.
7. He had worked like a dog before he became succesful.
        - Marami syang pinagdaang hirap sa pagtratrabaho bago nya nakamit ang kaniyang pangarap














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Adverb of Frequency

  "ADVERB of FREQUENCY " - Kung ang isang salita ay tumutugon sa tanong na 👉 "Gaano kadalas?", ang adverb na ito ay isa...