Ipinapakita ang mga post na may etiketa na English-Tagalog Grammar. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na English-Tagalog Grammar. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Oktubre 1, 2020

Transitive vs Intransitive verb (Tagalog)

 TRANSITIVE VERB vs. INTRANSITIVE VERB 


A. I would like to discuss about it. (Mali) 

B. I would like to discuss it. (Tama) 


Bakit mali ang A at bakit tama ang B? 

Ito po ay sa kadahilanang ang "discuss"  ay isang Pandiwa o verb na tinatawag na  transitive verb. 

➡️ Ano po ang transitive verb? 

Ang transitive verb ay ang mga pandiwang mayroong direct object o noun phrase na  tumutugon sa Pandiwa. Ang transitive verb ay kadalasang hindi ginagamitan ng preposition katulad halimbawa ng about, to, on, atbp. 

Mga iba pang halimbawa ng transitive verb. 


1. Feed. 

-She feds the dog. ( ang direct object ay ang dog.) 

-She feeds to the dog. (Wrong. Dapat walang preposition ang pandiwang feed dahil ito ay transitive.) 

2. Resemble 

-She resembles her mom. (Ang direct object ay ang "her mom) 

- She resembles to her mom. (Wrong. Hindi na kailangan ng preposition) 


May mga Pandiwa na walang direct object. Ang tawag sa mga pandiwang ito ay intransitive verbs sa English.  Sa pagkakataong ito tayo ay gagamit ng prepositional phrase at hindi noun phrase. 

Halimbawa.. 

1. Talk 

- She wants to talk about it. (Ang verb ay talk and it follows a preposition "about') 

- She wants to talk it. (Mali. Talk is intransitive so dapat nating gumamit ng preposition. 


2. Listen 

- Are you listening to me? 

-ARE you listening me? (Mali) 


May mga verbs na pwedeng gamitin as transitive o intransitive. 


Sa susunod kong post magbibigay po ako ng mga halimbawa ng transitive at intransitive verb. 


Ingat po tayong lahat lagi 💕

Adverb of Frequency

  "ADVERB of FREQUENCY " - Kung ang isang salita ay tumutugon sa tanong na 👉 "Gaano kadalas?", ang adverb na ito ay isa...