PRESENT TENSE:
Ano ang Present tense?
- Ang Present tense ay ang mga pangyayaring nagaganap araw-araw o mga bagay na palagi nating ginagawa araw-araw. Ano ba ang mga bagay na palagi o regular mong ginagawa o ang mga bagay na regular mangyari sa araw-araw nating pamumuhay?
Halimbawa:
-I go to school everyday.
-There is always a heavy traffic in the city.
- I see him passingby every morning.
Sa Present tense, ang dapat nating gagamiting anyo ng pandiwa o verb form ay dapat present form kagaya ng GO, IS at SEE.
Ano ang Past Tense?
-Ang Past tense o Simple Past Tense ay ang mga bagay o mga pangyayaring ginawa o naganap na sa nagdaang kapanahunan.
Halimba:
-She went to school yesterday.
-There was a heavy traffic in the city.
-I saw him passing by the other day.
Dahil past tense ang ginamit nating kapanahunan, ang anyo ng pandiwa o verb form ay dapat nasa past tense din katulad halimbawa ng WENT, WAS at SAW.
Ano ang Future Tense?
- Ang future tense ay ang mga pangyayaring maaring maganap pa lamang o ang mga mga bagay na gusto nating gawin sa hinaharap.
Sa future tense, ang pattern na dapat nating sundan ay ito:
Subject+ will+ main verb..
Halimbawa:
-She WILL GO to school.
- There WILL BE a heavy traffic in the city.
-I WILL CALL him later.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento