SIMPLE PRESENT TENSE
Ang isang pangungusap ay Present tense kung ito ay madalas mangyari at palaging nangyayari.
Minsan ay ginagamitan ito ng time expressions katulad halimbawa ng:
➡️ Every day/ daily
➡️ Every month/monthly
➡️ Every week /weekly
➡️ every year/ yearly
➡️ always; sometimes; never; frequently
Ito rin ay ginagamitan ng mga Pandiwa na nasa Present tense form.
Paano bumuo ng pangungusap na nasa Present tense form?
Kung ang subject ay singular, ang gagamitin po nating verb ay dapat nasa present tense form din.
Mga halimbawa ng subject pronoun na singular o pang-isahan:
➡️ She, he, it
-She reads. (Ang verb na read ay magiging singular form reads. Karaniwang my "s' ang mga singular verbs po.)
- She reads everyday. ( ang everyday ay isang halimbawa ng time expression for Present tense.)
- She reads a book right now. (MALI. Ang time expression na "now" ay naglalarawan ng isang Present progressive or continous tense.)
Tama: She is reading a book right now *
Iba pang halimbawa:
-My boyfriend always buys me flowers.
( boyfriend is singular so kelangan po yung verb singular din (buys). At ang time expression ay "always", ibig sabihin palaging nangyayari.
Kapag naman ang subject ay plural like we, they, atbp.. ang verb ay walang "s". Ito ay ang plural form of the verb.
➡️ We sometimes go to church. ( ang verb ay "go".)
➡️ They rarely see each other.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento