Isa sa mga halimbawa ng Adverb ay ang tinatawag na ADVERB OF MANNER.
Sa ngayon po, ang topic po natin ay tungkol sa Adverb of Manner.
Ano nga ba ang Adverb of manner?
Tingnan po natin ang pangungusap na ito:
👉 The girl is running . (Ang bata ay tumatakbo)
Marami pong paraan ng pagtakbo. Maaring tumatakbo sya ng mabagal o tumatakbo ng mabilis but unfortunately walang binanggit sa pangungusap Kung sa papaanong paraan tumatakbo ang batang babae. Ano po ba ang kulang at dapat idagdag sa pangungusap na ito para lumawak ang ating imagination tungkol sa ginagawa ng batang babae?
Kailangan po natin ng isang uri ng adverb na tinatawag na ADVERB OF MANNER!
Ang adverb of manner ay mga salitang naglalarawan kung paano ginagawa ang isang bagay.
Halimbawa:
👉 The girl is running slowly. (Slowly o dahan dahan)
👉 The girl is running fast. (Fast o mabilis)
The girl is running so fast. (So fast o napakabilis)
O di ba nagkaroon ng pagkakaiba kung paano natin iimagine ang nangyayari o kilos sa bawat pangungusap?
Upang madali po natin matandaan, tandaan lang po natin na ang ibig sabihin ng manner ay "paraan" o paraan kung paano ginagawa o ginawa ang isang bagay.
Karaniwang nagtatapos sa mga letrang _ly ang isang Adverb of Manner.
Halimbawa:
- Beautifully (sa magandang paraan)
- quickly (sa mabilis na paraan)
- nicely (sa mahusay na paraan)
-smartly (sa matalinong paraan)
Saan po ba karaniwang makikita ang mga salitang ito sa isang pangungusap?
👉 Ang adverb of manner ay karaniwang nasa hulihan ng verb (action Word o salitang naglalarawan ng kilos)
Example:
- Eat greedily
- speak slowly
- read carefully
Ngunit kapag may object naman sa pangungusap, ang adverb of manner ay dapat nasa hulihan ng object.
Halimbawa:
Let's say, kung ang object sa sentence ay "cake" at ang adverb ay "slowly". Dapat ang slowly ay nasa hulihan na ng cake at hindi ng verb.
- She ate the cake SLOWLY . (Tama)
- She ate SLOWLY the cake. (Mali)
Pwede rin na ito ay kasunod ng subject.
Halimbawa:
👉 She slowly ate the cake.
Ang adverb of manner po actually ay mga salitang nabubuo na hango sa mga salita mula sa adjective form na minsan ay dinadagdagan ng _ly sa dulo.
👉 slow- slowly
👉 mad-madly
👉 easy-easily
👉 gentle- gently
Ngunit ilan sa mga ito ay hindi nagbabago ng form. Ibig ko pong sabihin, kung ang form nito sa adjective ay ganun pa din ito sa adverb:
👉 hard- hard
👉 fast-fast
👉 early- early
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento