"ADVERB of FREQUENCY "
- Kung ang isang salita ay tumutugon sa tanong na 👉 "Gaano kadalas?", ang adverb na ito ay isang halimbawa ng Adverb of Frequency.
Ilan sa mga halimbawa ng Adverb of frequency ay ang:
👉 Never (hindi ni minsan)
👉 Always (palagi)
👉 rarely ( bihira)
👉 sometimes (minsan)
👉 usually (kadalasan)
👉 again (uli)
- Ang Adverb of frequency ay kadalasang ginagamit sa mga paulit-ulit na gawain kung kayat ito ay madalas gamitin sa Present tense.
👉 She USUALLY shops on Sundays. (Kadalasan syang namimili sa araw ng Linggo_ ibig sabihin, tuwing Linggo sya namimili at ito ay paulit-ulit na gawain.)
👉 I rarely attend morning class. (Bihira akong pumasok sa pang-umagang klase)
- Kung ang pangungusap ay mayron lamang isang verb, ang Adverb of frequency ay dapat nasa gitna at kasunod ng subject.
👉 He NEVER sleeps. (Tama)
👉 He sleeps NEVER. (Mali)
- Kung ang pangungusap ay mayroong higit sa isang verb, ang Adverb of frequency ay dapat nasa unahan ng main verb.
👉 I have NEVER met him. (Ang have ay isang uri ng verb na tinatawag na auxiliary verb at kadalasang ginagamit sa Perfect tense na pangungusap.)
👉 The baby can SOMETIMES walks on her own. (Ang "can" ay isang uri ng modal verb. Ang main verb sa pangungusap ay walk. Kung mapapansin nyo po, ang Adverb of frequency na "sometimes" ay nasa pagitan ng modal verb (can) at main verb (walk).
Ang salitang frequency ay nagmula sa rootword na frequent na ang ibig sabihin ay "dalas" and its adverb is frequently.
How frequently do you read books?
(Gaano ka kadalas magbasa ng libro?
Suriin po ang larawan sa ibaba, ipinapakita sa chart sa pamamagitan ng paggamit ng percentage (%) kung gaano kadalas nangyayari ang isang uri ng Adverb of FREQUENCY.