Linggo, Marso 28, 2021

Adverb of Frequency


 

"ADVERB of FREQUENCY "


- Kung ang isang salita ay tumutugon sa tanong na 👉 "Gaano kadalas?", ang adverb na ito ay isang halimbawa ng Adverb of Frequency. 

Ilan sa mga halimbawa ng Adverb of frequency ay ang:

👉 Never (hindi ni minsan) 

👉 Always (palagi) 

👉 rarely ( bihira) 

👉 sometimes (minsan) 

👉 usually (kadalasan) 

👉 again (uli) 


- Ang Adverb of frequency ay kadalasang ginagamit sa mga paulit-ulit na gawain kung kayat ito ay madalas gamitin sa Present tense. 

👉 She USUALLY shops on Sundays. (Kadalasan syang namimili sa araw ng Linggo_ ibig sabihin, tuwing Linggo sya namimili at ito ay paulit-ulit na gawain.) 

👉 I rarely attend morning class. (Bihira akong pumasok sa pang-umagang klase) 


- Kung ang pangungusap ay mayron lamang isang verb, ang Adverb of frequency ay dapat nasa gitna at kasunod ng subject. 

👉 He NEVER sleeps. (Tama) 

👉 He sleeps NEVER. (Mali) 


- Kung ang pangungusap ay mayroong higit sa isang verb, ang Adverb of frequency ay dapat nasa unahan ng main verb. 

👉 I have NEVER met him. (Ang have ay isang uri ng verb na tinatawag na auxiliary verb at kadalasang ginagamit sa Perfect tense na pangungusap.) 


👉 The baby can SOMETIMES walks on her own. (Ang "can" ay isang uri ng modal verb. Ang main verb sa pangungusap ay walk. Kung mapapansin nyo po, ang Adverb of frequency na "sometimes" ay nasa pagitan ng modal verb (can) at main verb (walk). 

Ang salitang frequency ay nagmula sa rootword na frequent na ang ibig sabihin ay "dalas" and its adverb is frequently. 


How frequently do you read books? 

(Gaano ka kadalas magbasa ng libro?


Suriin po ang larawan sa ibaba, ipinapakita sa chart sa pamamagitan ng paggamit ng percentage (%) kung gaano kadalas nangyayari ang isang uri ng Adverb of FREQUENCY. 





Isa sa mga halimbawa ng Adverb ay ang tinatawag na ADVERB OF MANNER. 


Sa ngayon po, ang topic po natin ay tungkol sa Adverb of Manner. 

Ano nga ba ang Adverb of manner? 

Tingnan po natin ang pangungusap na ito:

👉 The girl is running . (Ang bata ay tumatakbo) 

Marami pong paraan ng pagtakbo. Maaring tumatakbo sya ng mabagal o tumatakbo ng mabilis but unfortunately walang binanggit sa pangungusap Kung sa papaanong paraan tumatakbo ang batang babae. Ano po ba ang kulang at dapat idagdag sa pangungusap na ito para lumawak ang ating imagination tungkol sa ginagawa ng batang babae? 

Kailangan po natin ng isang uri ng adverb na tinatawag na ADVERB OF MANNER! 

Ang adverb of manner ay mga salitang naglalarawan kung paano ginagawa ang isang bagay. 

Halimbawa:

👉 The girl is running slowly. (Slowly o dahan dahan) 

👉 The girl is running fast. (Fast o mabilis) 

The girl is running so fast. (So fast o napakabilis) 

O di ba nagkaroon ng pagkakaiba kung paano natin iimagine ang nangyayari o kilos sa bawat pangungusap? 

Upang madali po natin matandaan, tandaan lang po natin na ang ibig sabihin ng manner ay "paraan" o paraan kung paano ginagawa o ginawa ang isang bagay. 

Karaniwang nagtatapos sa mga letrang _ly ang isang Adverb of Manner. 

Halimbawa:

- Beautifully (sa magandang paraan) 

- quickly (sa mabilis na paraan) 

- nicely (sa mahusay na paraan) 

-smartly (sa matalinong paraan) 


Saan po ba karaniwang makikita ang mga salitang ito sa isang pangungusap? 

👉 Ang adverb of manner ay karaniwang nasa hulihan ng verb (action Word o salitang naglalarawan ng kilos) 

Example:

- Eat greedily 

- speak slowly 

- read carefully 


Ngunit kapag may object naman sa pangungusap, ang adverb of manner ay dapat nasa hulihan ng object. 

Halimbawa:

Let's say, kung ang object sa sentence ay "cake" at ang adverb ay "slowly". Dapat ang slowly ay nasa hulihan na ng cake at hindi ng verb. 


- She ate the cake SLOWLY . (Tama) 

- She ate SLOWLY the cake. (Mali) 


Pwede rin na ito ay kasunod ng subject. 

Halimbawa:

👉 She slowly ate the cake. 


Ang adverb of manner po actually ay mga salitang nabubuo na hango sa mga salita mula sa adjective form na minsan ay dinadagdagan ng _ly sa dulo. 

👉  slow- slowly 

👉 mad-madly 

👉 easy-easily 

👉 gentle- gently 


Ngunit ilan sa mga ito ay hindi nagbabago ng form. Ibig ko pong sabihin, kung ang form nito sa adjective ay ganun pa din ito sa adverb:

👉 hard- hard 

👉 fast-fast 

👉 early- early

 

Biyernes, Marso 26, 2021

Answer Key

Quiz01:


Piliin ang tamang Adverb:

 My sister is a fast runner. She runs ____. 

A. Fast

B. Fastly 

C. Faster 

Ang tamang sagot po ay #A. Fast. Tandaan po natin na ang adverb ng fast ay FAST pa rin at hindi fastly o faster. 

Ang "faster" naman po ay ginagamit na panghambing ng dalawang bagay, hayop lugar tao o pangyayari. 

Halimba:

She runs faster than her brother . (Tumatakbo sya ng mabilis kaysa sa kapatid nyang lalaki.) 

Ang pinaghahambing dito ay ang kakayahan nyang tumakbo at ang kakayahan ng kapatid nyang lalaki.


 


Sabado, Pebrero 6, 2021

Fall out of Love

Ang ibig sabihin ng fall out of love ay ang paglaho o paglalaho ng isang espesyal na damdamin para sa isang tao. 

I never expect that you would fall out of love with me after all those happy years . 

(Hindi ko inaasahang maglalaho ang damdamin mo para sa akin pagkatapos ng masasayang taon ng ating pagsasama. 

Linggo, Disyembre 6, 2020

ANSWER KEY..

 The old woman was so greedy. She didn't want to share blessings even though she was rich. 

Sa pangungusap na ito, ang ibig sabihin ng greedy ay:. 

A. Makasarili 

B. Mapagbigay 

C. Mayabang 


Sagot: A. Makasarili o selfish sa English. 


ANSWER KEY...

 Mr. Tan was so blessed. He won the first prize in their company's Christmas raffle. 

 Sa pangungusap na ito, ang kasingkahulugan ng blessed ay:

A. Nalulungkot . 

B. Nagagalit . 

C. Mapalad 


Sagot: #C. Mapalad o Lucky sa English 

ANSWER KEY

 Sam was really surprised with what he got. It was an enormous carrot. 

 Sa pangungusap na ito, ang ibig sabihin ng enormous ay:

A. Makulay . 

B. Maliit . 

C. Malaki 


Sagot: #C. Malaki or huge sa English 

Adverb of Frequency

  "ADVERB of FREQUENCY " - Kung ang isang salita ay tumutugon sa tanong na 👉 "Gaano kadalas?", ang adverb na ito ay isa...